Elehiya sa Kamatayan ng
Aking Kapatid
Isinalin ni Teresa Laximana
Hindi pa panahon!
Sa gulang na dalawampu't isa, na punong-puno ng
buhay.
Malungkot niyang paglalakbay, ngayo'y hindi na
matanaw.
Panganay na anak, taglay ang hindi na mabilang
na pangarap.
Sa gitna ng di natupad na pangarap at di
naipadamang pag-ibig.
Natapos na ang burol.
Sa gitna ng makulimlim na panahon.
Paniwalaa't dili, may pagkabagabag at
panghihinayang.
Ano ang tanging naiwan
Nakakuwadradong mga larawang-guhit, poster at
kinunang larawan.
Aklat, talaarawan at mga damit.
Wala nang dapat pang ayusin,
Isang ulilang teheras.
Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na
kapalaran.
Ang maamong mukha, ang malamyos na tinig.
Ang matinis na halakhak,
Mga ligayang di-malilimot.
Patuloy ang pagdarasal
Kasama ang pagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang walang
hanggang pagpapahinga
Mula sa di mabilang na mga taon ng paghihirap
Sa pagtuklas ng karunungan naging mailap,
Sa paghanap ng magbibigay-katuparan sa
pinakamimithing edukasyon,
Luha'y natuyo, lakas ay pumanaw.
Ano ang kinahantungan
Ang hiram na buhay, tuluyang nawala!
Pema, ang imortal na pangalan.
Mula sa nilisang nangungulilang tahanan
Walang naiwan, ni imahe, ni anino, ni katawan!
Balana'y nagluksa at nagsisiyukod,
Maging pananim ay kumakaway ng pamamaalam, ang
tag-araw tahimik na tumatangis.
Ganoon din ang lahat ng nag-alay ng dakilang
pagmamahal,